Isyu kay De Lima at Villanueva, walang epekto sa Senatorial slate ng Liberal Party ayon sa Malakanyang

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 1369

4ecc57938f4b7d677b092f49d5fb29be97326d153530fe8527dd3f1f792ea620

Tiniyak ng Malakanyang na hindi makakaapekto sa line up ng LP Senatoriables ang isyu kay TESDA Dir. Joel Villanueva at DOJ Sec. Leila De Lima.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, kung may mga pagkakaiba man ang dalawang opisyal ay iisa naman ang prinsipyo sa usaping good governance sa Daang Matuwid reform program ng administrasyong Aquino.

Pareho din naman aniyang maganda ang naging performance ng dalawa sa kanilang tungkulin at naniniwala ang Malacanang na mas papahalagahan ni Villanueva at De Lima ang prinsipyo ng good governance kaysa sa kanilang personal differences.

Una nang napaulat na sinabi ni Villanueva na hindi ito komportable na makasama si De lima sa pangagampanya.

Ito ay matapos siyang masama sa listahan ng 3rd batch ng pinakakasuhan ng DOJ kaugnay sa PDAF Scam.

Bagay naman na ayon kay De Lima ay ginagawa lamang aniya ang kaniyang tungkulin at hindi naman siya apektado sa sinabi ni Villanueva.

Tags: , ,