Istriktong paggamit ng motorcycle lane, ipatutupad ng I-Act

by Radyo La Verdad | November 11, 2016 (Friday) | 1006

mmda-logo
Simula sa Lunes ay mahigpit nang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang paggamit ng motorcycle lane.

Pagmumultahin ng limangdaang piso ang driver ng motor na wala sa blue lane.

Bukod dito huhulihin na rin ang mga nagmo-motor na walang proper safety gear gaya ng helmet at walang tamang attire gaya ng pagsusuot ng short at tsinelas.

Kabilang pa sa mga babantayan ng MMDA ang mga motor na hingi nakabukas o kaya ay may depektibong ilaw,may maingay na tambutso at walang side mirror.

Limangdaang piso din ang multa sa mga mahuhuling walang helmet habang isanlibong piso naman ang multa sa may higit sa dalawang sakay.

Tags: ,