Istilo ng ipapanukalang federal government, pagbobotohan ng Consultative Committee bukas

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 2191

Pagbobotohan na ng Consultative Committee bukas ang magiging istilo o porma ng ipapanukalang federal government sa ilalim ng bagong Saligang-Batas.

May tatlong pagpipilian ang mga miyembro ng Con-Com. Ang mga ito ay presidential, parliamentary at hybrid o pinaghalong presidential at parliamentary system.

Magkakaroon din muna ng talakayan bago magbotohan at bibigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro na ipaliwanag ang kanilang boto.

Magsisimula ang en banc meeting ng Con-Com alas dyes ng umaga bukas sa Leaders Hall ng PICC sa Pasay City.

 

Tags: , ,