Israeli experts, humanga sa COVID-19 vaccination rollout sa Pilipinas

by Erika Endraca | June 25, 2021 (Friday) | 1694

METRO MANILA – Sangayon ang Department Of Health (DOH) na malaking hamon ang transportasyon ng mga bakuna kontra COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tinukoy ito ng mga kinatawan ng health ministry ng Israel sa limang araw na pag-iinspeksyon sa mga vaccination site at cold-chain facility partikular na sa Metro Manila.

Layo ng mga Israeli expert na ibahagi ang kanilang mga pamamaraan na naging epektibo rin sa kanilang bansa na itinuturing pa ngayong may pinakamataas na vaccination rate sa buong mundo.

“I have to say that the challenges faced in the Philippines with the 7100 hundred islands, very different and far more challenging that what we have in Israel. So, we will try to give our most humble thoughts on how best to tackle this solution. But based on what we saw yesterday, I think you’re on a good place with a level of professionalism.” ani Israel Health Ministry Representative, Adam Segal.

Kapwa naman natuto ng iba’t ibang stratehiya at best practices ang mga health official counterparts ng 2 bansa para sa COVID-19 vaccination.

Ayon Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ilang pang inobasyon at pamamaraan ang ibinahagi ng mga delegado upang maging mas episyente ang pagbabakuna.

“They are already decided on what vaccines to get. They already planned several months in advance how many syringes, how many needles. They got it even before they got the vaccines.” ani DOH Usec Myrna Cabotaje.
Kasabay nito, bumilib naman ang mga eksperto sa lebel ng propesyonalismo sa mga operasyon ng pagbabakuna sa bansa.

“If this is the level that you see throughout your city and entire Philippines, I think the people can be confident that they’re getting the proper treatment and they are getting the vaccine in a very professional manner.” ani Israel Health Ministry Representative, Adam Segal.

Humganga rin ang Israeli delgates sa manila COVID-19 field hospital sa luneta park na bagong ipinatayo sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

Bago bumalik ang mga Israeli expert sa kanilang bansa ngayong araw (June 25), nakatakdang makipagpulong ang mga ito sa Department Of Health at iba pang kaukulang ahensya para sa kanilang pinal na rekomendasyon sa pagpapabuti pa ng COVID-19 vaccination sa Pilipinas.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,