Binago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang iskedyul upang personal na madala ang Balangiga bells sa Eastern Samar sa Sabado.
Sa pinakahuling pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nito na dahil sa matinding pakiusap ng mga taga-Eastern Samar, nakapagdesisyon na ang Pangulong dadalo sa handover ng mga makasaysayang kampana sa mga lokal na opisyal ng Balangiga.
Dagdag pa ng opisyal, bagaman kinukunsidera rin ng punong ehekutibo na dagdag atraksyon ang kaniyang presensya sa ceremonial turnover, mas mahalaga aniya na makakabalik na ang Balangiga bells sa pinanggalingan nito pagkatapos ng 117 taon.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )