METRO MANILA – Hindi pa malinaw sa Food and Drug Administration (FDA) kung sino ang accountable sa isinagawang pagbabakuna sa ilang sundalo at uniformed personnel sa bansa kaya naman iniimbestigahan pa nila ito kasama ang DOH.
Inaalam pa rin ng mga ito kung kung saan galing ang umano’y donasyon na Covid-19 vaccine.
“ I want to see the details e. i do not hve the idea how it happened or what was the process, ho they were selected and what vaccine was used. so until now until i get more data siguro and more facts i cannot speculate on any liability on anybody.” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.
“Hindi natin alam kung the president talaga ang nagbigay ng orders para magpabakuna wala namang ganoong sinabing ganoong information” ani DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.
Batay sa FDA-Circular number 2020-009, kahit ang mga donated health products para sa covid-19 response, dapat dumaan sa clearance, evaluation at regulation ng fda.
Nakasaad naman sa Administrative Order no. 2007- 0017 ng DOH kung ano ang proseso ng pagtanggap sa mga donasyon pang- medikal kapag mayroong disaster at emergency situations.
Ayon sa FDA malinaw na may paglabag ang mga nag- supply at nag- distribute ng covid-19 vaccine dahil hindi ito dumaan sa kanila.
Mariin ding sinagot ni DG Domingo na wala silang ideya sa ginawang pagbabakuna. Hini rin aniya sila tinanong man lang ukol sa bakunang ibinigay sa mga ito.
Naninindigan din ang FDA at DOH wala pa rin ngayong bakuna kontra Covid-19 sa Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Vaccine, PSG