Isinagawang eleksyon kahapon, naging payapa sa kabila ng ilang insidente ng karahasan – PNP

by Radyo La Verdad | May 10, 2022 (Tuesday) | 5520

METRO MANILA – Hindi nakaapekto sa halalan kahapon (May 9) ang ilang insidente ng karahasan.

Ayon kay PNP Officer In Charge PLtGen. Vicente Danao Jr., payapa sa pangkalahatan ang maghapon mula sa pag-uumpisa ng eleksyon ng ala-6 ng umaga hanggang kinagabihan.

Kabilang sa mga naitala ng PNP ay ang mga pagsabog sa Sharrif Aguak, Datu Piang at Datu Unsay Maguindanao.

Maging ang shooting incident sa bahagi ng polling precint sa Pilot Elementary School Brgy. Poblacion Buluan Maguindanao kung saan 3 tanod ang namatay at isa ang nasugatan.

Gayunman sinabi ni Danao na kung ikukumpara ang datos ng election related incidents, mas tahimik ang naging eleksyon ngayon kumpara sa mga nakalipas na halalan.

Noong 2016  mayroon naitalang 133 election related incidents, 60 naman noong 2019 habang 16 lamang ngayong 2022 elections.

Nasa 739 police na trained bilang board of election inspector ang naideploy sa halalan.

Tiniyak din ni Danao na mas pinaghandaan ng pambansang pulisya ang seguridad pagkatapos ng halalan.

Nakakalat pa rin aniya sa ground ang kanilang mga tauhan para sa patuloy na pagbabantay ng seguridad

Kahit tapos na ang halalan

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: , ,