Isinagawang Dengvaxia mass vaccination, nananatiling kwestyonable ayon sa ilang health experts

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 1618

Naniniwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na tila nagkaroon ng sabwatan upang mapabilis ang proseso ng pagbili ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Pinabulaanan naman ito ng Food and Drug Administration at maging ni dating Health Secretary Janette Garin sa pagdinig kahapon.

Ngunit para sa ilang health experts, kwestyonable pa rin ang ginawang mass vaccination sa mahigit 800 thousand na mga kabataan noong 2016 dahil na rin sa kakulangan ng preparasyon.

Ngunit sa ngayon ayon pa sa mga eksperto, wala pang matibay na basehan upang magpanic at mabahala ang publiko sa Dengvaxia.

Kailangan muna rin anilang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng Dengue Investigative Task Force.

Ipina-subpoena naman ng komite sina Public Attorney Office Chief Persida Acosta at PAO Forensic Laboratory Director Dr. Erwin Erfe na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ukol sa Dengvaxia.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,