Isasagawang debate ng 17th Congress kaugnay sa pagbuhay ng death penalty sa bansa, posibleng maging madali ayon kay Senator Vicente Sotto III

by Radyo La Verdad | June 15, 2016 (Wednesday) | 2532

MERYLL_SOTTO
Naniniwala si Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi magiging madugo o mahaba ang isasagawang debate ng 17th Congress kaugnay sa pagbuhay ng death penalty para sa mga henious crime.

Sa isinagawang kapihan sa senado, inamin ni Sotto na posibleng maging madali para sa Kongreso ang pagpasa sa death penalty

Ayon kay Sotto, kabilang sa mga tatalakayin sa debate ang paraan kung papaano ito isasagawa

Si Sotto ang posibleng magiging senate majority leader sa 17th Congress sa ilalim ng pamumuno ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III bilang susunod na senate president at isa sa mga nagsulong sa 16th Congress na muling buhayin ang death penalty dahil sa patuloy na paglaganap ng krimen bunsod ng mga illegal na droga.

(Meryll Lopez / UNTV Correspondent)

Tags: , ,