Isanlibong kumpanya, mag-aalok ng trabaho sa isasagawang labor day job and career fairs

by Radyo La Verdad | April 21, 2016 (Thursday) | 2450

JOB-FAIR
Isang libong kumpanya ang magsasa-sama sa May 1, labor day para sa pinakamalaking job and career fairs na isasagawa ng Department of Labor and Employment o DOLE ngayon taon.

800 dito ay lokal employer habang 200 naman ay overseas.

Ang mga ito ay nakatakdang magbigay ng 200-libong trabaho para sa mga aplikante.

Ang tema ng ika 114 na araw ng panggawa ngayong taon ay “kinabukasan sigurado sa disenteng trabaho.

Ayon kay DOLE Sec. Rosalinda Baldoz hindi na magiging mahirap sa mga bagong graduate, mga uuwing OFW at maging sa mga out of school youth na makapunta sa job at career fairs dahil ito ay isasagawa ng sabay-sabay sa 44 na lugar sa buong bansa.

Sa career fair tutulungan ang mga kabataan at estudyanteng pumili ng kanilang kurso upang agad magkaroon ng trabaho.

Maliban dito magsasagawa rin ang DOLE ng livelihood counseling, skills training at livelihood skills demonstration.

Upang matiyak na magiging mabilis at maayos ang proseso ng aplikasyon at iba pang dokumento kasama sa job and career fairs ang NBI, SSS, BIR, NSO, PAGIBIG at Philhealth.

Ang mga lugar na pagdarausan ng job and career fairs ay sa Worldtrade Center para sa NCR.

Sa Cordillera Administrative Region ito ay isasagawa sa Baguio Convention Center.

Sa Region 1 ay sa SM City Rosales at Calasiao Sports Gymnasium sa Pangasinan at Robinsoms Place Sa San Nicolas, Ilocos Norte.

At sa Region 2 ito ay isasagawa sa SM City Cauayan at Robinson’s Mall Santiago City, Isabela.

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng papel at ballpen, resume at mga importanteng dokumento na gagamitin sa pag-aaply ng trabaho.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: , ,