Isang US National, nagpositibo sa Zika virus habang bumibisita sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 16465

doh-facade
Kinumpirma ng Department of Health o D-O-H na isang American tourist ang nag-positibo sa Zika virus habang nasa bansa noong Enero.

Apat na linggong nagbakasyon ang turista dito sa Pilipinas.

Ayon D-O-H kinakitaan ng mga sintomas gaya ng lagnat, rashes, conjunctivitis at pananakit ng katawan ang pasyente sa huling linggo ng pananatili nito sa bansa.

Wala pang impormasyon ang D-O-H kung paano nakuha ng biktima ang virus habang nasa Pilipinas.

Gayunpaman, tiniyak ng DOH na walang outbreak ng Zika sa Pilipinas at ito ay masasabing isang islolated case.

Ito na ang ikalawang kaso ng Zika virus na naitala sa bansa.

Ang una ay sa Cebu noong 2012.

Tags: , , ,