Isang trader at tatlong delinquent taxpayers, sinampahan na ng BIR sa DOJ.

by dennis | May 14, 2015 (Thursday) | 1657

DOJ BIR

Sinampahan ng kasong tax evasion ang isang trader habang kasong willful failure to pay taxes naman ang inihain laban sa isang gas retailer at mga kinatawan ng dawalang kumpanya na pawing mga taga-lungsod ng Makati at Parañaque.

Sa pangunguna nila Deputy Commissioner/OIC Celia King ng BIR, Assistant Commissioner James Roldan at Assistant Secretary Zabedin Asis, sinampahan nila ng kasong tax evasion ang negosyante na si Jose Lazaro Valdisno Carlos, may ari ng JL Carlos Commercial at residente ng Pembo, Makati City.

Ayon sa BIR, hindi nagdeklara ng totoo niyang kita si Carlos noong 2010 at 2011 kaya’t nais nila itong pagbayarin ng halos P49 million na buwis.

Sinampahan naman ng willful failure to pay taxes ng BIR ang isang gasoline retailer sa Rizal St. Makati City at sinisingil ng mahigit P35 million na buwis.

Habang hinahabol din ng ahensiya ang mga kinatawan ng Mangosteen Beverage Corporation sa Paranaque city at Software Laboratories Inc. sa Makati dahil sa deficiency tax na nagkakahalaga ng kabuuang P89 million.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 356 na tax evasion complaints ang naisasampa ng BIR dito sa DOJ sa ilalim ng Run Against Tax Evaders (RATES) program ng administrasyong Aquino. (Jerolf Acaba/UNTV Radio)