Isang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, ipinasara ng PNP

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 2356

NESTOR_PINASARA
Pasado ala una ng hapon kanina nang maglibot ang Philippine National Police sa ilang baranggay sa bayan ng Bocaue upang muling inspeksyunin ang mga tindahan ng paputok.

Isang tindahan ang ipinasara ng PNP dahl sa kakulangan ng permit.

Ayon kay Bocaue PNP Chief Police Superintendent Ganaban Cumayog Ali, bagama’t mayroon permit ang A.M Mantes Universal Fireworks sa DTI, barangay at munisipyo, wala naman itong license to deal in firecrackers and pyrotechnic devices na ini-issue ng PNP Crame.

Wala ang may-ari ng tindahan na kinilalang si Ana Marie Mantes Del Rosario nang magsagawa ng inspeksyon ang PNP.

Tanging mga tauhan lamang nito ang naiwang bantay sa tindahan.

Umaabot naman sa 400,000 piso ang halaga ng mga paputok na nakumpiska ng PNP at dinala sa Bocaue Police Station.

Wala naman nakuha na mga illigal na paputok sa loob ng ipinasarang tindahan.

Samantala, mahigit isang daang tinahan pa sa Bocaue, Bulacan ang nakatakdang inspeksyunin ng pulisya bago sumapit ang pagpapalit ng taon.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,