Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na isang Maute struggler ang napatay kahapon sa main battle area. Ayon kay Joint Taskforce Marawi Deputy Commander Col. Romeo Brawner, balak tumakas nito kaya nakipagbarilan sa mga sundalo.
Tiniyak naman ng AFP na hindi ito dapat ikabahala ng mga residenteng bumalik na sa kanilang tahanan. Hindi naman matiyak ng AFP kung ilan pang Maute ang nasa loob ng main battle area.
Samantala, iprinisinta nila ang perang galing sa Maute member na sumuko na nagkakahalaga ng three hundred thousand pesos. Iba’t-ibang mga alahas at mga appliances ang narecover din ng mga Scout Ranger sa main battle area na itinurn-over naman sa Marawi PNP at sa lokal na pamahalaan. Sa ngayon ay pag-uusapan pa kung paano maibabalik ang mga ito sa tunay na nagmamay-ari.
Dagdag pa ni Col. Brawner na ang ginawang ito ng mga sundalo ay nagpapatunay lamang na tapat sila sa kanilang pagganap sa tungkulin.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )
Tags: Maute Group, militar, straggler