Ipinanukala ng isang senador ang “iwas-tanim bala bill” upang hindi na mabiktima ng laglag-bala o bullet planting sa airport ang mga biyahero.
Nakasaad sa panukala ni Senador Bam Aquino na huwag nang gawing krimen o i-decriminalize ang pagkakaroon ng hindi hihigit sa tatlong bala.
Bukod kay Aquino, may kahalintulad ding panukalang batas si Camarines Sur Representative Leni Robredo na inihain nito sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Kaugnay nito, isang online petition naman ang kumakalat para baguhin ang batas na nagpaparusa sa mga mahuhulihan ng bala.
Layon ng petisyon na matigil ang panghuhuli sa mga biyahero na nakikitaan ng bala sa bagahe.
Tags: iwas-tanim bala bill, senador