Isang pasyente, posibleng mahawa ng 2 variants ng Covid-19 – DOH

by Erika Endraca | February 8, 2021 (Monday) | 3822

METRO MANILA – Kinumpirma ng researchers sa Brazil noong nakaraang Linggo na may nadiskubre silang 2 variant ng Covid-19 na taglay ng ilang pasyente doon.

Ang mga ito umano ang kauna- unahang kaso ng coinfection sa buong mundo

Nguni’t kailangan pa itong dumaan mas masusing pag- aaral o peer review ng mga eksperto

Ayon sa DOH, posible ang co- infection ng dalawang Covid-19 variants sa isang indibidwal

“Ang sabi nga ng ating mga eksperto, and isang virus might have this multiple variants na lumalabas doon sa kaniyang sequence genome, pero di lahat ay harmful, ang ina-identify lang at ipinagbibigay sa ating authorities would be those would merit public health action, iyon pong significant na makakapag-cause ng harm sa ating population…” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Tiniyak naman ng DOH na kasama sa biosurveillance measures ng Pilipinas ang pagtuklas sa iba’t ibang variant ng Covid-19 .

Upang kung umiiral man ang mga ito sa Pilipinas ay mapigilan agad ang pagkalat nito.

“Hindi lang po UK variant ang hinahanap natin kasi nakikita dito sa whole genome sequencing process any type of variant that might be present in an individual’s genome “ ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Patuloy ang genome sequencing ng DOH sa mga sample na positibo sa Covid-19 mula sa mga ospital, mga probinsya at mula sa resulta ng mga inbound travellers sa Pilipinas .

Wala pa naman aniyang kaso ng 1 pasyente na nahawa ng 2 UK variant sa Pilipinas.

“Sa ngayon wala pa tayong nakikita at atin pong pinag-aaralan itong mga sinasabi na pwede ang more than 1 variant dito sa isang genome o sa isang tao na mangyari ito.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nakapagsumite na rin ng P362 million budget proposal sa Department of Budget and Management (DBM) ang DOH upang pondohan ang genome sequencing sa Pilipinas para sa 1 taon.

Isinasagawa ang genome sequencing ng bansa sa Philippine Genome Center, University of the Philippines-National Institutes of Health at ng Research Institute for Tropical Medicine.

(Aiko Miguel| UNTV News)

Tags: