Isang opisyal ng PNP at Bureau of Customs, ipinatatanggal ng pangulo sa pwesto

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 2840

pres-duterte-2
Ipinatatanggal sa pwesto at ipinasususpinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang police inspector sa makati dahil sa pangingikil umano nito sa mga turista.

Ipinag-utos din nito ang pagsasagawa summary dismissal proceedings upang matanggal sa serbisyo ang nasabing opisyal sa lalong madaling panahon.

Ipinaaalis din ng pangulo sa pwesto ang Deputy Chief for Intelligence ng Bureau of Customs.

Hindi inilahad ng pangulo ang dahilan subalit kakausapin muna niya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay dito.

Kaugnay nito inatasan ng pangulo ang National Bureau of Investigation na tutukan ang pag iimbestiga sa mga kaso ng graft and corruption.

Pero hindi rin nakaligtas ang nbi sa puna ng presidente kaugnay sa iregularidad na nangyari sa ahensya.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,