Isang NPA leader, nadakip kagabi sa Davao

by Radyo La Verdad | April 8, 2015 (Wednesday) | 1397

davao_npa_aiko
Nadakip na ng Phil Army 10th infantry division at ng CIDG 11 ng Philippine National Police sa isang checkpoint sa Brgy Sirawan, Toril, Davao city bandang alas nueve pasado kagabi ang isang kinikilalang lider ng New People’s Army.

Sakay ng isang isuzu big horn na may plate number bdv864 si Vincent Estrada kasama ang isa pang nagngangalang Zacarias Delos Santos Mancia Jr.

Si Vincent Estrada alias Dennis Monetcillo/ Bords/ Brod/ Oban ang head ng regional instructor’s Bureau of Regional Operational Command o ROC at Southern Mindanao Regional Committee o SMC ng NPA.

Hawak ng otoridad ang warrant of arrest na CC#7610 para sa kidnapping at serious illegal detention na nai- file sa regional trial court branch 3 sa Nabunturan, Compostella Valley Province.

Nabawi kay Estrada ang isang calibre. 45 pistol, fragmentation grenades, isang laptop, limang cellphone, ilang dokumento at ilan pang personal na gamit.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng CIDG 11 ang dalawang nadakip.

Pinuri naman ni Chief- of- Staff ng AFP General Gregorio Pio Catapang Jr ang Phil Army at PNP Davao sa pagkakadakip ng NPA leader.(Aiko Miguel,UNTV Correspondent)