Isang low pressure area (LPA) ang posibleng mabuo sa kanlurang bahagi ng Luzon ayon sa PAGASA.
Ito ay batay sa ipinapakitang cloud circulation batay sa pinakahuling weather satelite image. Patuloy na makaka-apekto ang habagat sa western section ng Luzon.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan pagkulog at pagkidlat ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan. Posibleng magkaroon ng mga pag-ulan dulot ng thunderstorms. Magandang panahon naman ang inaasahan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, mapanganib naman para sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga karagatang sakop ng Batanes, Babuyan Group of Islands, Cagayan at Ilocos Norte.