Isang LPA, nasa PAR

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 4514

Isang low pressure area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa layong 1,030km sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang LPA. Sa mga susunod na araw ay maaaring malusaw na ito.

Sa ngayon ay apektado ang silangang bahagi ng Mindanao ng easterlies o hangin na nanggagaling sa dagat pasipiko.

Makararanas ng good weather ang Metro Manila.

Ang malaking bahagi ng bansa ay may posibilidad na makaranas naman ng papulo-pulong pag-ulan.

Tags: , ,