Isang linggong truck holiday simula March 7, isasagawa ng mga trucker na tutol sa Terminal Appointment Booking System

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 2430

Cabinet-Secretary-Rene-Almendras
Tigil operasyon simula March 7 ang ilang grupo ng mga trucker sa port area na tutol sa Terminal Appointment Booking System o TABS dahil sa dami ng mga fee at penalty.

7 thousand umano ang babayaran ng trucker sa enrollment sa tabs gaya ng booking fee, storage fee, no show fee, late penalty, truck demurrage bukod pa ang renta sa truck at ang value added tax

Ayon kay Cabinet Secretary Rene Almendras dahil sa online booking ng TABS mas naging mabilis ang paglabas at pagpasok ng mga produkto sa pantalan.

Exempted rin sa truck ban ang lahat ng mga truck na kabilang sa TABS, maaari na silang makadaan sa truck lane anumang oras.

(UNTV NEWS)

Tags: ,