Isang lalaki sa Germany ang nakagawa ng bike na sinasabing pinakamabigat sa buong mundo.
Aabot sa dalawang buwan ang iginugol ng 49-anyos na si Frank Dose sa pagbuo ng kanyang bisikleta.
Gamit ang mga gulong mula sa isang traktora at mga piraso ng bakal ay umabot sa 1.08 tonelada ang timbang ng bisikleta ni Dose na mas mabigat ng 200 kilo sa bisikleta ng dating world record holder na taga-Belgium.
Sa kabila ng bigat nito ay madali naman daw patakbuhin ang kanyang bisikleta kung saan nagawa niya itong patakbuhin layong 100 metro.
Aabot naman sa $4,700 (katumbas ng higit P200,000) ang kanyang nagastos upang magawa ang nasabing bike.
Tags: bisikleta, Germany, isang lalaki, pinakamabigat