Isang election violence sa munisipyo ng Lagayan, Abra ang nirespondehan ng kapulisan ngayong umaga.
Alas otso y medya ng nang magkaroon ng barilan sa munisipyo ng Lagayan, Bayan ng Abra sa pagitan umano ng Crisologo at Luna Party.
Sa ngayon ay inaalam pa ng otoridad ang mga detalye ng pangyayari sa lugar sa pangunguna ni Provincial Director Police Senior Superintendent Antonio Bartolome.
Ang munisipyo ng lagayan ay tinatayang isang oras ang layo mula sa Bangued, Abra na siyang sentro ng bayan.
Binubuo ito ng 5 barangay na kinabibilangan ng dalawang daan at labing anim na registered voters.
Samantala sa Abra West Central School naman na siyang itinalagang sentrong voting precinct ay walang naitalang aberya maliban sa pagdagsa ng mga botante at haba ng pila.
Binubuo ito ng tatlumput isang barangay at tinatayang nasa 156, 968 ang mga ragistered voters.
Alas siyete ng umaga nang magsimulang magdagsaan ang mga botante at inaasahan pang dumami pagdating ng hapon.
Sa ngayon ay wala pa sa kalahati sa kabuoan ng mga registered voters ang nakaboto na.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: bayan ng Abra, Isang election related violence, mga kapulisan
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com