Isang digital creator, bumuo ng Fund Raising bilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses

by Erika Endraca | November 24, 2020 (Tuesday) | 2031

Kapansin-pansin ngayon sa social media ang kampanya ng digital creator na si Jeanette Caroro na may layuning matulungan ang mga pamilyang nasalanta ng bagyong Ulysses.

Nagpost ang 25 taong gulang na drafting graduate mula sa Bulacan State University, ng isang fund-raising advertisement sa kanyang Facebook art page, artaftercoffee.ph, noong ika-16 ng Nobyembre 2020, matapos syang himukin ng kaibigan nyang babae na tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Layon ni Ms. Caroro na magamit ang kanyang personal hobby upang makapagdonate ng mga bottled water sa mga typhoon-affected families sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang mga creations.

Dagdag pa niya, hindi sya ang nagbibigay ng presyo para sa kanyang mga artworks kundi ang mga volunteers na gustong bumili ng mga ito at sa kasalukuyan ay umabot na sa P6,750 ang naipon ng fund-raiser at nakabili na si Jeanette ng 20 boxes ng bottled water.

Pinatunayan lamang niya na kapag gusto mo talagang makatulong sa mga nangangailangan ay marami paraan upang ito ay magawa sa awa’t tulong ng Dios.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: ,