Agad na rumesponde ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang residente na may natagpuan itong bomba sa kanilang lugar sa Sulu nitong Biyernes (October 30).
Agad na kinordon ang lugar at maagap itong dinisarmahan ng explosive ordnance disposal team.
Ayon sa AFP Westmincom, nananatiling aktibo ang bomba at kung nagalaw lamang ng kaunti ay maaari nang sumabog at maaabot ng blast radius nito ang nasa loob ng hanggang 20 metro.
Pinaniniwalaan ng AFP na ang IED ay gawa ni ASG bomb expert Mundi Sawadjaan dahil sa karaniwang signiture components nito.
(Zen Tormis | La Verdad Correspondent)
Tags: AFP, WESTMINCOM