Isang bata hinostage sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, suspek arestado

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1334

HOSTAGE-2
Nabulabog ang mga residente ng Nia Road Barangay Pinyahan sa Quezon City matapos ang i-hostage ng isang lalaki ang isang pitong taong gulang na bata bandang alas dies y medya kagabi.

Kinilala ang biktima na si Schycy Rondobio isang grade 1 pupil.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 10, hinahabol ng mga barangay tanod ang suspek na si Arnulfo Recto. dahil sa ginawang pagnanakaw nang bigla itong pasukin ang isang bahay.

Dire-diretso ito sa ikatlong palapag na bahay ng na pagmamayari ni Reynaldo Rondobio at doon kinuha ang batang biktima at hinostage ito gamit ang patalim.

Dahil sa nangyari humingi na ng tulong ang nanay ng biktima sa mga pulis.

Dumating din ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics at mga pulis at doon na nagkaroon ng negosasyon.

Dahil madilim at masikip ang lugar nahirapan pa ang mga operatiba pumasok ng bahay.

Una umiiyak pa ang biktima ngunit ilang sandali ay tumahimik ito at wala na silang narinig na tinig ng biktima, kaya doon na pwersahahang sinalakay ng mga operatiba ng PNP ang suspek sa loob ng bahay upang hulihin.

Habang hinuhuli si Arnulfo nanlaban pa ito at nakipagbuno sa mga otoridad.

Makalipas ang isang oras naaresto din ang suspek at narescue naman ang biktima na mabilis na isinugod sa ospital.

Wala namang tinamong pinsala ang biktima at nahimatay lamang dahil sa sobrang takot.

Samantala isinugod din ang suspek sa ospital na nagtamo ng sugat sa mukha.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pangyayari habang inahahanda naman ang kasong isasampa laban sa suspek.

(Reynante Ponte/UNTV NEWS)

Tags: , , ,