Isang bagong Transport Network Company na “OWTO”, pinatitigil ng LTFRB

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 2573

Ikinagulat ni Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang paglitaw sa facebook ng isa nanamang bago at ilulungsad pang Transport Network Company na “OWTO”.

Pinatitigil ng LTFRB ang nakataktang launching nito ngayong araw dahil hindi daw ito nakipag-ugnayan sa kanila.

Pero ayon kay OWTO Chief Executive Officer Joel Gayod, personal nilang ipineresenta kay LFTRB Chairman Martin Delgra ang kanilang business proposal.

Naipasa narin umano nila ang mga hinihinging requirements maliban sa endorsement na manggagaling sa Department of Information and Technology o DICT.

Ang OWTO ay isang Transport Network Vehicle Service application gaya ng UBER at GRAB. Subalit ito ay pagmamayari at gawa mismo ng Pinoy. Limang libong units ang una nilang ipoproseso oras na opisyal na itong mailulunsad ang application.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,