Isabela State University, tinanggal ang mga subversive book sa kanilang mga silid-aklatan

by Erika Endraca | September 23, 2021 (Thursday) | 5805
Photo Courtesy: Isabela State University (ISU)  FB Page

METRO MANILA – Ipinag-utos ni Isabela State University President Ricmar Aquino ang pull out ng 23 National Democratic Front (NDF) handbook sa silid-aklatan ng ISU main campus, Echague, Isabela.

Ayon kay Aquino, bahagi ng inisiyatibo na mapangalagaan ang hinaharap ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalidad at may-katuturang edukasyon.
“Our students should not, therefore, be exposed to anything that will destroy their future,” dagdag ni Isabela State University President Ricmar Aquino.

Nagbigay din ng utos si Aquino sa librarians ng ibang ISU campuses na tanggalin sa kanilang mga silid-aklatan ang mga ganitong klase ng libro.

Sa kasalukuyan ay mayroong 11 campuses ang ISU sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Samantala, ipinasa ni Aquino ang mga nasabing libro kay Regional Director of the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at cluster head of the Situational Awareness and Knowledge Management Cluster of the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Dennis Godfrey Gammad.

Pinuri naman ni Regional Director Gammad ang ginawa ng unibersidad na pagtanggal ng mga subversive books sa kanilang silid-aklatan.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,