Nabigo man ang Philippine National Police na bigyan ng parangal ang mga sangkot sa Oplan Exodus kasabay ng kanilang 114th anniversary.
Isang survivor naman ng Mamasapano operation kinilala ng Metrobank Foundation.
Si PO2 Adolfo Andrada ay kabilang sa 84th SAC na nagsilbing Assault Team sa paghuli sa International Terrorist na si Zulkifli Binhir alyas Marwan.
Kasama rin sya sa mga tauhan ng PNP SAF na nagtagumpay sa Zamboanga Siege.
Ayon kay PO2 Andrada, ang 400 libong piso, gold medal at trophy na natanggap nya ay ibinabahagi nya sa kanyang mga kasamahan na nagbuwis ng buhay.
Si Andrada ay umalis na sa Special Action Force simula pa noong Mayo at lumipat sa ibang unit.
Noong biyernes, madami ang nagtaka sa pag aalis ng pangalan nina P/Supt. Raymond Train at PO2 Romeo Cempron sa listahan ng pararangalan.
Naniniwala naman ang pinuno ng mga Police Non- Commissioned Officers na dapat bigyan ng medal of valor ang mga nasawi sa Mamasapano operations
Kaugnay nito’y siniguro ng pamunuan ng PNP na maibibigay sa SAF 44 ang karapat dapat na parangal.
Magbibigay din sya ng rekomendasyon sa National Police Commission upang rebisahin ang regulasyon sa pagbibigay ng Medal of Valor.( Lea Ylagan / UNTV News)