Lumabas sa record ng Bureau of Immigration o BI na isang Ralph Caballes Trangia ang umalis ng bansa noong Martes ng madaling araw lulan ng Eva Air flight BR262 patungong Taipei, Taiwan.
Nangyari ang paglabas ng bansa ni Trangia isang araw bago maglabas ng lookout bulletin ang BI sa 16 na miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Una nang pinangalan ng Manila Police District o MPD si Ralph, ang ama nitong si Antonio Trangia at John Paul Solano bilang mga suspek sa pagkamatay ni ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Nagpapatuloy ang manhunt operation sa mga suspek at nagbabala rin ang pulisya na posibleng maharap sa kaso ang mga kumakanlong sa mga ito.
Samantala, makikipagugnayan naman ang pamunuan ng MPD sa Interpol para matunton si Ralph Trangia.
Dati na ring nahuli ng mga tauhan ng MPD ang batang Trangia matapos masangkot sa away ng magkatunggaling fraternity sa Manila Hotel noong nakaraang taon subalit nakalaya ito.
( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )
Tags: Bureau of Immigration, Horacio Castillo III, Ralph Caballes Trangia