Nasa kamay na ng National Transport Safety Committee ng Indonesia ang isa sa dalawang black box ng Lion Air Flight JT610 na bumagsak sa karagatan ng bansa.
Gamit ang isang remoting operating vehicle ay nadiskubre ito ng search and rescue team kahapon sa isang bahagi ng search area.
Nahirapan umano ang mga diver na kunin ang black box dahil sa lakas ng alon at nakaharang ng mga energy pipeline.
Ngunit ayon sa pinuno ng Transport Safety Committee, kung ang kanilang nakuha ay ang flight data recorder o ang cockpit voice recorder, aabutin umano ng tatlong linggo bago madownload ang laman ng black box at anim na buwan naman para i-analyze ang data.
Ngunit umaasa ang Indonesian authorities na sa pamamagitan nito ay malalaman na kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Ngunit ayon sa ilang kaanak ng mga nasawi sa insidente, bagaman makapagdudulot ng linaw sa kinahinatnan ng kanilang mahal sa buhay ang pagkakarecover sa black box, mas nais umano nilang makuha ang katawan ng mga biktima.
( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )
Tags: Black box, Indonesia, Lion Air Jet