Isa patay; mahigit 50 kaso ng dengue, naitala sa Eastern Visayas noong nakaraang buwan

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1309

jenelyn_dengue
Nababahala ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas ngayong taon.

Sa nakalipas na buwan ng Enero, nakapagtala na ng mahigit limampung dengue cases ang DOH sa rehiyon at isa rito ang nasawi.

Nangunguna sa may mataas na kaso ng dengue ang Tacloban City kung saan mahigit sampu ang naiulat na dengue patients.

Ayon kay DOH Regional Director Minerva Molon, bagamat bumaba ng 73-percent ang dengue cases sa Eastern Visayas noong nakaraang taon ay hindi dapat na maging kampante ang mga residente.

Pinapayuhan ang publiko na panatilihin pa rin malinis ang loob at labas ng bahay.

Palagi ring i-check ang mga water dispenser, flower base at aquarium dahil ilan ito sa maaaring pamahayan ng dengue carrier mosquito.

Lalo na ang mga sirang gulong at plastic containers.

Hindi naman kabilang ang Region 8 sa mga rehiyong unang pagkakalooban ng kauna-unahang dengue vaccine sa bansa ngayong buwan ng Marso.

Ang Region 3, 4-a at National Capital Region ang napiling pilot beneficiaries ng dengue vaccine dahil sa naitalang mataas na kaso dito ng dengue noong 2015.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,