Junketeering o maluhong pagbiyahe gamit ang pondo ng pamahalaan. Ito ang muling nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pinakahuling talumpati sa Malacañang.
Ito rin ang pahiwatig ng punong ehekutibo kung bakit nanganganib na namang may matanggal sa pwesto na opisyal ng pamahalaan.
Ilang opisyal na ng pamahalaan ang tinanggal sa pwesto ng punong ehekutibo matapos masangkot sa mga katiwalian. Ang iba, pinangalanan pa sa publiko ng pangulo.
Tulad na lamang ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chair Terry Ridon.
Ang hinanakit naman ng punong ehekutibo, karamihan sa mga tinanggal niya sa pwesto, mismong mga humikayat pa aniya sa kaniyang tumakbo sa pagka-pangulo.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: opisyal ng gobyerno, Pangulong Duterte, PCUP