Inilunsad ng Department of Trade and Industry ang isa pang Negosyo Center sa Science City of Munoz sa Nueva Ecija upang mas mapalakas ang mga maliliit na negosyo sa lalawigan, ito na ang pang sampung negosyo center na binuksan sa probinsya.
Ayon sa DTI, layon nito na mailapit sa mga Micro, Small and Medium Enterprise o MSME sa Nueva Ecija ang serbisyo ng pamahalaan upang magkaroon sila ng access sa lahat ng kanilang mga pangangailangan, gaya ng pagkuha ng business certificate, financial business consultation, trainings at iba pa.
Malaking tulong din para sa mga Barangay Micro Business Enterprise ang Negosyo Centers dahil bawat kasapi nito ay libre sa income tax sa loob ng dalawang taon dahil sa certificate of authority na ipinagkakaloob sa kanila ng DTI.
Dito rin makikita ang iba’t-ibang produkto ng bawat kooperatiba at iba’t-ibang produkto ng Philippine Carabao Centers at PhilRice gaya ng wood crafts, funiture, dairy products at iba pa.
Tags: DTI, Negosyo Center, Nueva Ecija