IRR sa Sim Card Registration Act, pinamamadali na ng DOJ

by Radyo La Verdad | December 9, 2022 (Friday) | 13867

Nagbigay na ng opisyal na sulat ang Department of Justice sa United Nations hinggil sa ginagawang hakbang ng gobyerno upang labanan ang kaso ng child exploitation sa Pilipinas. Natalakay ang naturang isyu sa pagpupulong kahapon nina United Nations Special Rapporteur On The Sale and Sexual Exploitation of Children Mama Fatima Singhateh at Justice Secretary Crispin Remulla.

Kabilang sa mga hakbang ng Pilipinas ang pagpapasa ng Sim Card Registration Act, na ayon kay Secretary Remulla  ay Implementing Rules and Regulation na lang ang hinihintay para ganap na maipatupad sa bansa.

“To speed up working out of the IRR para dito sa Sim Card Registration para immediately maging executory na at ma-identify na natin lahat ng perpetrators kasi habang ganyan ang nangyayari hanggang ngayon prepaid pa rin ang gamit nila prepaid, 3g ,4g, 5g data plans ng telco ang ginagamit nila karamihan ng kaso ng child online exploitation at siyempre sa pagbubugaw ng mga bata,” pahayag ni Sec. Crispin Remulla

Department of Justice.

Hindi na rin itinanggi ng kalihim na nangunguna ang Pilipinas pagdating sa problema sa child sexual exploitation.

Hiniling na ng Pilipinas sa UN na magkaroon ng database sharing ng mga foreigner na may ginawang krimen sa ibang bansa upang pagpasok pa lang sa Pilipinas ay agad mahuli ang mga ito.

Dante Amento | UNTV News

Tags: , ,