MANILA, Philippines – Nilagdaan na ng Department of Health (DOH) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law.
Sa paglagda ng IRR, nangangahulugan na sisimulan na ang implementasyon nito matapos itong mailahatla sa mga pahayagan. Sa ilalim ng naturang batas, otomatikong magiging miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipino.
Ang mga direct o indirect contributors ng PhilHealth ay parehong makikinabang sa no balance billing kapag sila na-admit sa basic o ward accomodations ng ospital.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hinay hinay lamang ang magiging implementasyon nito dahil na rin sa usapin sa budget.
Aabot sa P257B ang pondong kakailanganin sa unang taon ng implementasyon nito. P167B lamang ang nakalaang pondo sa kasalukuyan. Sa taong 2020, mahigit P1T ang kanilang kakailanganing pondo.
“2020 to 2024 that will be P1.5T requirement to operationalize the Universal Health Care” ani DOH Sec. Francis Duque III.
Dahil sa Universal Health Care Law, asahang rin ng premium rates ang PhilHealth.
“Sa premiums naman it increases by 25% a year, I think this year its 2.75 %” ani President & CEO, Philhealth Ricardo Morales.
Pag-aaralan naman ng PhilHealth ang mga bagong benepisyo na maaaring matanggap ng mga nagbabayad ng kanilang contributions na iba sa mga makikinabang sa Universal Health Care Act.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH, IRR, Universal Health Care Law