Naglabas na ng implementing rules and regulations (IRR) ang Bureau of Internal Revenue para sa mas mataas na tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonus sa mga empleyado sa pribadong kumpanya at pamahalaan
Noong Pebrero, nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas na nagtataas sa P82,000 ang tax exemption sa mga bonus ng mga manggagawa
Nilinaw naman ni BIR Commissioner Kim Henares na hindi sakop ng naturang batas ang mga self-employed, mga talent sa showbiz at mga kikitain mula sa negosyo.
Epektibo lamang ang batas sa mga manggagawang nasa employee-employer relationship at hindi kabilang ang basic salary at iba pang allowance.
Sakop ng batas ang 13th month pay at iba pang bonus na matatanggap mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ngayong taon.
Tags: 13th month pay, BIR, bonus, IRR, Kim Henares, tax exemption