METRO MANILA – Pagtutuunan ng pansin ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) kung papaano makakatulong sa economic recovery ng bansa sa tulong ng Intellectual Property (IP) kaalinsabay ng pagbubukas ng 25th year anniversary nito na may temang “The Silver BRIGHT Year: Sustaining Philippine Recovery with IP in 2022.”
Sa naging pahayag ni IPOPHL Director General Rowel S. Barba, umaasa aniya sila na kaalinsabay ng selebrasyon ay ang makabuo ng estratehiya upang makatulong sa economic recovery ng bansa sa kabila ng pandemya.
Tinalakay din ni Barba ang naging achievements ng ahensiya sa nakalipas na taon kung saan tumaas ang IP filings kumpara noong nagsimula ang pandemya.
Batay sa datos, tumaas ng 12% o 46,503 IP filings bunsod ng patuloy digitalization ng ahensiya kung saan mas napabilis ang filing process at mas accessible sa lahat ng mga tao.
Ibinida rin ng Director ang pagbubukas ng mga major micro, small and medium enterprises(MSME) kagaya ng Juan for the World Program at extension ng Juana Make a Mark Program at
Patent Cooperation Treaty Program.
Nagpahayag naman ng suporta si Department of Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez sa IPOPHL sa patuloy na pagtulong nito para makarekober ang bansa.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)