METRO MANILA – Pinalawig pa ng 2 Linggo ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region , Bulacan, Rizal Laguna at Cavite,
Sa kabila nito ay papayagan na ring buksan ang ilang negosyo at mananatili pa rin ang border control lalo na sa NCR Plus Bubble.
“Umayon po ang mga alkolde rito sa MECQ plus new business openings sapagkat ito’y sagot sa mga walang trabaho, magkakaroon ng activities, at hindi taats ang infection dahil ang border control po, salant pwedeng pumasok sa NCR Plus, nandun pa rin po ang border” ani MMDA Chairman, Benhur Abalos.
MECQ naman sa buong buwan ng Mayo ang Santiago City, Quirino Province at Abra.
General community quarantine naman sa Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao Del Sur.
Ang ibang lugar sa Pilipinas na hindi nabanggit ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Hindi na rin ikinagulat ni Pangulong Duterte ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan umabot na ito sa mahigit 1 Milyon.
Ayon sa pangulo, kung magpapatuloy ang hindi pagsunod ng ilang pilipino sa health protocol tiyak na magpapatuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID.
“And it will be a never ending story until all Filipino are vaccinated, there will always a rise and maybe exponential ang takbo ng COVID sa Pilipinas kapag hindi kayo sumunod ng batas”ani Pres. Rodrigo Duterte.
Binalaan rin ni Pangulong Duterte ang mga barangay official at mga alkalde na hinahayaan ang mga paglabag sa ipinatutupad na minimul health protocol sa kanilang mga lugar.
“ I will hold responsible and I will direct the secretary of the local government , DILG, to hold the mayors responsible for these kind of events happening in their places, it is a violation of the law, and if you do not enforce the law, there is a dereliction of duties punishable under the revised penal code”ani Pres. Rodrigo Duterte.
(Nel Maribojoc | UNTV News)