Security plan para sa May 2016 elections, puspusan nang inihahanda sa Western Visayas

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 2214

LALAINE_SECURITY-PLAN
Dalawang linggo na lang ang nalalabi bago sumapit ang May 2016 elections kaya puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga otoridad dito sa Western Visayas Region.

Ngayong araw isinagawa ang Regional Joint Security Control Center Conference sa Camp Martin Teofilo B. Delgado sa Iloilo City upang talakayin ang mga isyu na maaaring kaharapin sa araw ng halalan.

Kabilang dito ang seguridad, power supply and security requirements sa mga istasyon ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, paglalagay ng emergency stations sa piling polling centers at paghahatid ng vote-counting machines at election materials.

Dumalo sa pulong ang COMELEC, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Grid Corporation of the Philippines, Department of Health, National Intelligence Coordinating Agency at 2Go.

Ito na ang huling meeting na isasagawa upang maisa-pinal ang ipatutupad na seguridad at contingency plan sa rehiyon sa araw ng halalan.

Umaasa ang mga otoridad na magiging maayos ang pagdaraos ng eleksyon sa rehiyon at walang maitalang anomang insidente ng karahasan.

Inaasahang malalaman ang detalye ng ipatutupad na security at contingency plan mamaya pagkatapos ng isinasagawang joint security meeting.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,