Mahigpit nang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa susunod na linggo ang 15 second rule sa lahat ng mga paaralan sa buong Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ito ay upang hindi na makadagdag pa sa bigat ng trapiko ang mga pribadong sasakyang maghahatid sa mga bata ngayong pasukan.
Tutol naman sa agarang implementasyon ang ilang school administrator.
Anila dapat ay bigyan ng sapat na panahon ang mga magulang at estudyante na masanay dito bago ang full implementation.
Normal na anila na may mga magulang na hindi agad iniiwan ang kanilang mga anak sa unang dalawang linggo ng pagbubukas ng klase.
(UNTV RADIO)
Tags: 15 second rule