METRO MANILA – Sisiyasatin ng Senado ang alitan sa lupa na dahilan kung bakit hindi makuha ng 3 grupo ng Indigenous People (IP) ang rentang P19-M sa lupa sa Central Luzon mula pa taong 2007.
Inihain ni Senator Robinhood Padilla ang Senate Resolution 149 upang maimbestigahan ang Joint Management Agreement (JMA) sa pagitan ng Clark Development Corp. (CDC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Tribong Ayta ng nakaraang Disyembre 6, 2007.
Ayon sa kasunduan, may karapatan ang mga grupong IP ng 20% ng net income sa renta ng lupa sa 75 taon na idideposito sa Aeta Development Fund (ADF).
Sinasaklaw ng Certificate of Ancestral Domain Title ang 4 na lupaing nasa Zambales, Pampanga at Tarlac, titulong para sa 4 na Bamba Ayta Tribal Association (BATA), Mabalacat Ayta Tribal Association (MATA), AT Sangguniang Tribong Aeta (STA).
Nakalagay sa resolution ni Senator Padilla na makalipas ang 14 taon pagkapirma ng JMA ay hindi pa natatanggap ng Tribong Ayta ang buong 20% bahagi mula sa mga renta at sa paggamit ng ancestral domain ayon sa report ng mga Ayta ng Sitio Haduan na sinaksihan noong Agosto 2, 2022 sa Office of Senator Robinhood Padilla sa Pasay City.
Mandato ng resolusyon na ang magsasagawa ng pagsusuri ay ang Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs na pinamununuan ni Padilla.
Ang nakaraang pahayag naman ng dating pangulo ng CDC na si Manuel Gaerlan na hindi nila maibibigay ang 20% sa mga Ayta dahil ang BATA, MATA, at STA ay kapwa umaaring representante ng IP groups, at inilagay muna nila sa trust fund ang may kabuoang P19.2-M nitong Oktubre 31, 2019 sa Land Bank of the Philippines.
Sisiguraduhin ni Senator Padilla na matitiyak ng imbestigahan ang karapatan ng mga Aytang makita ang pagpapatupad ng bahagi nito ng JMA at NCIP.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)