Involvement ng Chinese triad sa illegal drug trading sa bansa, kinumpirma ng Palasyo

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 1215

PRES-DUTERTE
Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa top drug lords na nag-ooperate sa bansa na umano’y kabilang sa high–level Chinese triad.

Matapos ang pakikipagpulong sa Cabinet security cluster, ipinakita ng Pangulo sa media ang isang bahagi ng organizational chart ng “level five” drug ring.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ang level five ang pinakamataas sa drug hierarchy.

“A certain Mr. Wu Tuan alias Peter Co is the responsible for the triad Luzon/NCR Regions. He is currently detained at the national penitentiary and leader of the so-called Bilibid 19 gang. The next level 5 drug lord is a certain Peter Lim also known as Jaguar. He is in charge of the triad Visayas.” Pahayag ni Calida.

Samantala, tinukoy ni Pangulong Duterte si former PNP Deputy Chief for Operations Retired General Marcelo Garbo bilang associate protector o coddler.

(UNTV RADIO)

Tags: ,