Investor’s confidence sa Philippines, bumuti dahil sa mga ipinatupad na reporma – Pang. Aquino

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 1210

ASIA'S RISING TIGER
Naging bahagi ng pag-uulat ni Pangulong Benigno Aquino The Third ang takbo ng ekonomiya ng bansa, mga reporma na nagdulot na magandang resulta sa ating Economic Growth, at ang mga positibong pananaw ng International Community sa nakalipas na limang taon ng administrasyon.

Unang iniulat ng Pangulo ang malaking na-iremit ng mga Government Owned or Controlled Corporations na 131.86 billion pesos na dibidendo sa loob ng limang taon.

Ang malaking Revenue Collection ng Bureau of Internal Revenue na umabot sa 1.06 trillion noong 2012 at 1.3 trillion noong 2014 na nahigitan ang mga koleksyon ng nakaraang administrasyon.

Ayon sa pangulo, kumpiyansa siya sa nagiging takbo ng ekonomiya ng bansa.

Dahil na rin sa pagkilala ng International Community tulad na lamang na pag-angat sa pwesto ng Pilipinas sa Global Competitiveness Ranking.

Sa mga pagkilalang ito, sinabi ng pangulo na tinagurian ang bansa na Asia’s Rising Tiger at Asia’s Rising Star.

Iniulat rin ng pangulo na nabigyan rin ang Pilipinas ng Investment Grade Rating ng mga malalaking Credit Rating Agency.

Nangangahulugan anya na sulit na mamuhunan sa bansa dahil sa magiging mababa ang interes ng Borrowing Cost ng mga kumpanya sa International Market.

Dahilan upang makahikayat pa ng maraming Foreign Investor na makakalikha ng karagdagang trabaho.

Sa ulat ng pangulo, tumaas ang Foreign Investment ng bansa mula 1.07 billion dollars noong 2010 ay umangat ito sa record-high na 6.2 billion dollars noong 2014.

Maging ang Domestic Investment na umangat sa mahigit 2 trillion pesos mula pa lamang sa 3rd quarter ng 2010 hanggang 2014.

Maging ang paglaki ng oportunidad ay inulat ng pangulo, isa na rito ang pagangat ng Manufacturing Sector sa 8 percent mula 2010 hanggang 2014.

Tags: