Investment grade rating ng Pilipinas, tumaas – Fitch Credit Ratings

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 3194

Tumaas sa triple “B” ang credit ratings ng Pilipinas mula sa dating triple B negative batay sa Fitch Ratings. Ang Fitch Credit Ratings ay tumutukoy sa opinyong may kaugnayan sa kakayahan ng isang bansa na makapagbayad ng financial commitments.

Ayon sa naturang credit rating agency, nanatiling mataas ang tiwala ng mga mamumuhunan sa ekonomiya ng bansa. Katunayan nito, ang matatag na domestic demand at pagpasok ng foreign direct investments.

Nangangahulugan ito na hindi naaapektuhan ng mga kontrobersya kaugnay ng anti-drug war ng administrasyong Duterte ang investor’s confidence. Inaasahan din ng Fitch ang mas mataas na infrastructure spending sa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaan.

Batay din sa projection ng Fitch, aabot sa 6.8 percent ang Gross Domestic Product growth ng bansa sa taong 2018 at 2019 na magpapanatili sa Pilipinas bilang isa sa mga fastest-growing economies sa Asia-Pacific region. Ikinalugod naman ng Malakanyang ang findings na ito ng Fitch.

Ayon sa pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, katunayan ito na nasa tamang direksyon ang kampanya kontra krimen at korupsyon ng Duterte administration bukod pa sa mga polisiyang pang-ekonomiya ng pamahalaan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,