Inventory ng Dengvaxia vaccine na nasa mga LGU, isinasagawana ng DOH para maibalik sa Sanofi sa Biyernes

by Radyo La Verdad | January 18, 2018 (Thursday) | 4858

Kukunin na ng Sanofi Pastuer ngayong Biyernes ang mga hindi nagamit Dengvaxia vaccines ng Department of Health, ito ang napagksunduan ng mga opisyal at steering committee ng DOH at Sanofi Pasteur noong Martes sa kanilang pagpupulong. Ibabalik na sa pharmaceutical company ang mahigit isang milyong doses ng mga hindi nagamit na Dengavaxia vaccines.

Kaya naman nag-iimbentaryo na ang DOH sa mga naipamahaging bakuna sa mga LGU dahil bukod sa mga paaralan, isinagawa rin ang pagbabakuna sa mga komunidad.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maibabalik ng Sanofi ang refund kapag na-retrieve na nito ang mga natitirang bakuna.

Nilinaw din ng kalihim na kukuha sila ng ilang sample ng bakuna upang magamit bilang ebidensya, pag-aralan ang contents nito at ang mga posibleng epekto sa mga nabakunahan.

Sa Biyernes mag-iikot naman ang DOH sa isang paaralan sa Pampanga upang makita ang kalagayan  ng mga batang nabakanuhan ng Dengvaxia at magkakaroon ng konsultasyon sa mga magulang.

Uunahin nila ang San Isidro Elementary School sa San Fernando City at pagkatapos ay magsasagawa ng Dengue Summit sa Bren Z Guiao Convention Center

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,