Hindi kikilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nilagdaan ng Pilipinas na international agreement na may kaugnayan sa paglilimita ng carbon emissions.
Naniniwala si Pangulong Duterte na ang naturang kasunduan ay magiging hadlang sa mga developing country tulad ng Pilipinas.
Bagamat hindi binanggit ng pangulo kung ano ang mismong kasunduan, posibleng ang Paris Agreement on the Climate Change ang tinutukoy nito.
Kasama ang Pilipinas sa dalawandaang bansa na lumagda sa makasaysayang kasunduan noong December 2015.
Kung saan nangako ang Pilipinas na iri-reduce nito ang carbon emission ng 70 percent sa taong 2030 sa tulong na rin ng international community.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)