Internet sa bansa, posibleng bumilis dahil sa bagong tatag na Department of Information and Communications Technology

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 1020

MON_INTERNET
Pinirmahan na kahapon ni Pagulong Benigno Aquino The Third ang batas na bumubuo sa Department of Information and Communications Technology o DICT.

Lahat ng mga ahensya na may kinalaman sa Information and Communication Technology ay mapapasailalim sa DICT.

Ang mga ito ay ang Information and Communications Technology Office, National Computer Center, National Computer Institute at National Telecommunications Training Institute.

Nakasaad rin sa kautusan na ang Department of Transportation and Communication ay tatawagin na lamang na Department of Transportation.

Isinasaad rin ng batas na ang DICT ay pamumunuan ng isang secretary tatlong undersecretary at apat na assistant secretary.

Subalit ito na ba ang kasagutan sa matagal ng problema ng bansa sa mabagal na internet.

Ayon kay Atty.Francis Acero, isang internet law expert, kung papahintulutan ng DICT na magkaroon ng mas maraming kompetisyon sa telecom at ICT sector, may pagasa na bumilis at bumaba ang presyo ng internet sa bansa.

Umaasa naman ang mga nasa ICT sector na malaki ang maitutulong ng bagong tatag na kagawaran upang mas mapaganda ang serbisyo ng mga komunikasyon at impormasyon.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,