METRO MANILA – Nais ng Commission on Elections (COMELEC) na maipatupad na ang internet overseas voting sa susunod na national and local elections sa taong 2025.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kinakailangan na nilang magkaroon ng ganitong klase ng technological advancement para mabilis na makalap ang mga boto ng OFWs.
Maglilikha rin aniya ito ng mas mataas na voter turnout dahil mas magiging madali na ang pagboto ng ating mga kababayan abroad.
Sa ngayon ay patuloy parin ang demonstration ng mga IT companies sa Comelec upang makita ang magiging takbo ng sistema ng bawat naturang kumpanya sa naturang online voting.
Tags: COMELEC, Election, OFWs, ONline Voting