METRO MANILA – Nangunguna ang internet sa pinagmumulan ng balita ng mga Pilipino, ayon sa survey na inilathala ng Publicus Asia Inc. kahapon (April 15).
Ayon sa survey na isinagawa noong March 14 hanggang 18, 65% ng mga pilipino ang nag-bo-browse sa internet bilang pangunahing pinagkukunan ng balita.
Nasa 61% naman ng mga Filipino adults ang gumagamit ng Facebook bilang source ng balita.
Habang nasa 65% ang gumagamit telebisyon para makakuha ng balita.
Isinagawa ang independent at non-commissioned survey sa 1,500 respondents.